274

Sep 20, 2018 @ 15:57
By

Santiago sisters ‘di mapaghiwalay: Jaja sunod kay Dindin sa Japan

Hindi lang sina Jaja Santiago at Marck Espejo ang maglalaro sa prestihiyosong Japanese V. Premier League dahil makakasama rin nila ang nakatatandang kapatid ni Jaja na si Dindin Santiago-Manabat.

Ayon sa tweet ni sportswriter Julius Manicad, maglalaro si Manabat para sa Toray Arrows.

Maglalaro si Santiago sa Ageo Medics samantalang sa Oita Miyoshi naman si Espejo.

May apat na kampeonato ang Toray Arrows, bago ‘yon ay pumang-anim sa nakaraang dalawang season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?