23

Oct 22, 2021 @ 22:43
By

Santiago, Saitama bubulagain JT

Puntirya ni Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago at ng Saitama Ageo Medics na tisurin ang defending champion JT Marvelous sa pagtutuos sa 54th V.League 2021-22 elims ngayong Sabado sa Japan.

Itataya ng Pinay import at ng Ageo ang malinis na 2-0 record, na gaya rin ng kalaban na hangad din ang 3-0 start.

Winalis ng Saitama ang Okayama Seagulls sa nakalipas na weekend via, 28-30, 26-24, 23-25, 25-13, 15-11 at 25-16, 25-15, 25-22, kung saan may anim na atake, tigdalawang block at service ace ang 25-anyos at may taas na 6-5 na middle blocker sa last game.

Maghaharap ang Saitama at JT simula sa alas-12:00 nang tanghaling tapat (Manila time).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?