172

Nov 7, 2017 @ 15:51

Santiago nag-resign na sa DDB

Nagbitiw na diumano si Dangerous Drugs Board chief Dionisio Santiago kasunod nang kanyang pahayag tungkol sa drug rehabilitation center sa Nueva Ecija.

Sa report ni Tuesday Niu sa Super Radyo dzBB, sinabi nitong nagsumite na ng kanyang resignation letter si Santiago sa Malacañang.

Pagbibitiw ni Santigo ay nangyari, ilang araw matapos niyang kastiguhin ang pagtatayo ng 10,000-bed drug rehabilitation center sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija kung saan sinabi nitong isang impraktikal at maling proyekto.

Hindi pa kinumpirma ng Malacañang ang pagbibitiw ni Santiago sa DDB.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?