154

Dec 5, 2017 @ 13:44
By

‘Santa’ Duterte, namigay ng regalo sa mga batang maysakit

Maaga ang pasko ng mga batang maysakit sa Mary Johnston Hospital sa Tondo,Manila makaraang sorpresang binisita sila Martes ng hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Namigay ang Pangulo ng mga laruan at personal DVD sa mga naka-confine na mga batang maysakit habang isa sa mga ito ay kinantahan nito.

Namigay rin ng groceries ang Presidente sa magulang ng mga batang pasyente.

Ayon kay Angel Ann Mortel na may naka-confine na pamangkin sa ospital, nangako ang Pangulo sa mga batang may malubhang karamdaman na sagot na nito ang gastusin sa hospital.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, binisita rin ng Pangulo ang Fabella Hospital at Hospicio de San Jose.

Ang mga pagbisita ng Presidente sa mga hospital ay wala sa official schedule nito noong Martes.

Matatandaang noong nakalipas na Pasko ay binisita rin ng Presidente ang mga batang maysakit sa Davao City Memorial Medical Center na naging panata nitong bisitahin bago magtapos ang taon. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?