88

Dec 4, 2017 @ 17:08
By

Sanofi: Walang namatay sa nabakunahan ng Dengvaxia

Inihayag kanina ng Sanofi Pasteur na wala pang napapa-ulat na namatay sa bansa na nabakunahan ng kanilang anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Ayon kay Dr. Ruby Dizon, medical director ng Sanofi, ito ay base sa isinagawang assessment ng isang independent group na binuo ng Department of Health.

Una nang sinabi ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na may tatlong bata sa Central Luzon na namatay matapos mabakunahan ng kauna-unahang dengue vaccine sa buong mundo.

Noong nakaraang Linggo, inanunsiyo ng Sanofi na maaring magkaroon ng kumplikasyon ang mga nabakunahan ng Dengvaxia na hindi pa tinatamaan ng dengue.

Nabatid na simula noong nakaraang taon, 733,000 bata na ang nabakunahan ng anti dengue vaccine.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang Sanofi na humarap sa anumang isasagawang imbestigasyon hinggil sa ‘medical scandal.’ (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?