93

Dec 4, 2017 @ 14:58
By

Sanofi, tuloy ang pagbenta ng anti-dengue vaccine

Hindi babawiin ng kumpanyang Sanofi Pasteur Philippines mula sa merkado ang kanilang ibinebentang bakuna laban sa dengue.

Sa isang pulong-balitaan sa Taguig City, sinabi ni Dr. Ng Su Peing, global medical head ng Sanofi Pasteur, na wala namang nag-uutos sa kanila na iurong ang kanilang produkto.

Makikipagtulungan lang umano sila sa mga doktor at sa iba’t ibang sektor para magbigay ng impormasyon at payo ukol sa bakuna gaya ng kanilang payo na huwag itong gamitin sa hindi pa nagkaka-dengue.

“So far with all the agencies that we’ve spoken with, no one has asked for a product recall,” ayon kay Dr. Ng.

“They have agreed with our proposal that we want to inform doctors through both direct communication, by letter, through medical education activities in order that they are really informed of the new information,” dagdag nito.

Ang pagbabakuna ng Dengvaxia ng Sanofi ay ipinatigil ng Department of Health (DOH) matapos ang pag-amin nito na maari itong maging dahilan ng “severe disease” sa hinaharap ang mga nabakunahan na hindi pa nagkakaroon ng dengue.

Mahigit 700,000 na ang naturukan nito sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon. Mayroon ding binakuhanan sa Cebu. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?