By

Sanofi refund gagamitin sa Dengvaxia patients – DOH

Sharing is caring!

Target ng Department of Health (DOH) na gamitin para sa pagmomonitor at sa pagpapagamot ng mga nabakunahan ng Dengvaxia ang P1.16 bilyon na isinauli ng Sanofi Pasteur para sa kanilang bakuna kontra dengue na hindi na nagamit.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque, sumulat na siya sa Department of Budget and Management (DBM), sa Senado at Kamara para humingi ng pahintulot na gamitin ang nasabing salapi.

Doon din niya gustong kumuha ng ipambibili ng dengue kit na lalagyan ng thermometer, mosquito repellent lotion at bitamina para sa mga bata.

Bahagi rin ng salapi ay kukunin para sa 500 surveillance officers na magmo-monitor sa mga bata na naturukan ng Dengvaxia.

Matatandaang nagbalik ng pera ang Sanofi para sa mga bakuna na hindi na magagamit ng DOH dahil ipinatigil ni Pangulong Duterte ang pagbabakuna sa mga ito.

Balak naman maghain ni Senador Richard Gordon ng panukalang batas para magamit ang Sanofi refund sa mga batang nabakunahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?