sanofi
By

Sanofi pinakakasuhan dahil sa depektibong Dengvaxia

Sharing is caring!

Pinakakasuhan ni Senador Richard Gordon ang higanteng pharmaceutical company na Sanofi Pasteur dahil sa pagbebenta sa gobyerno ng bakuna kontra dengue na Dengvaxia.

Sa iniakda nyang draft Blue ribbon committee report ukol sa Dengvaxia controversy, sinabi ni Gordon na dapat sampahan ng kasong sibil na ang Sanofi dahil nagbenta ng depektibong bakuna.

Dahil sa bakuna, nalalagay umano sa panganib at maari pang mamatay ang mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Paglabag umano ito sa probisyon ng Civil Code of the Philippines ukol sa Quasi-delicts kung saan iniuutos na magbayad ng danyos ang nagdulot ng pinsala dahil sinadya o dahil sa kapabayaan.

“Suits must be filed … against Sanofi for having sold a defective product, endangering, hurting and may be even killing children who were injected with Dengvaxia,” batay sa draft report.

Bukod dito, maari rin umanong isulong ang mga kasong kriminal laban sa mga opisyal at kawani ng Sanofi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?