59

Dec 12, 2017 @ 17:34
By

Sanofi Pasteur walang lusot sa Dengvaxia controversy – Palasyo

Hahabulin at papanagutin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal at dating opisyal na mapapatunayang nagkasala sa pagbili ng depektibong anti-dengue vaccine na itinurok sa mga batang mahihirap sa bansa.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, hinihintay na lamang ng Pangulo ang resulta ng imbestigasyon ng Department of Justice at Senate Blue Ribbon Committee para matukoy kung sino ang mga dapat managot sa pagbili ng bilyon bilyong pisong halaga ng depektibong anti-dengue vaccinne.

Ayon kay Roque, hindi rin palulusutin ng gobyerno ang Sanofi Pasteur, ang kumpanya ng Dengvaxia dahil hindi kaagad inihayag ng kumpanya na hindi pa ganap na masasabing epektibo ang nabanggit na vaccine.

Kinatigan ng Palasyo ang posisyon ng DOH na isoli ng Sanofi Pasteur ang pondong ipinambili ng mga depektibong bakuna.

“Well, the President is awaiting results of the investigation. And he has promised that after investigation are — has been or have been conducted both by the Senate and the Department of Justice — that he will run after all individuals who may have criminal culpability for this ‘no.

Meanwhile, he stands by the recommendation of the DOH to hold Sanofi responsible. We want, by way of mere — by way of minimum, a refund of what we have paid already for the Dengvaxia,” pahayag ni Roque.

Umani ng batikos at galit sa publiko ang mga dating opisyal ng DOH dahil lumilitaw na minadali umano ang pagbili ng bakuna bago matapos ang Aquino administration. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?