38

Dec 11, 2017 @ 13:33
By

Sanofi Pasteur, ‘mentally dishonest’ sa Dengvaxia – Duque

Kinastigo ni Health Secretary Francisco Duque ang Sanofi Pasteur dahil hindi ipinagtapat na may bitbit na panganib ang kanilang Dengvaxia.

Sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee, sinabi ni Duque na dismayado siya dahil hindi inihayag ng Sanofi ang totoo tungkol sa bakuna gayung ginamit ito sa mga bata.

“I’m accusing you of mental dishonesty. You could have been more forthright and I think they have not been forthright from the very beginning,” sabi ni Duque.

“My index of suspicion is so high! I am pregnant with doubt. We are talking about the lives of people here, we are talking about children!” Diin pa nito.

Nitong Nobyembre, inihayag ng Sanofi Pastuer na maaring maging dahilan ng “severe disease” ang bakuna kapag itinurok sa hindi pa nagkakaroon ng dengue.

Inamin nila ito ngayong nasa 800,000 mga bata ang nabakunahan sa Metro Manila, Central Luzon t Calabarzon.

Binakuhahan din ang mahigit 800 pulis na nakatalaga sa Quezon City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?