147

Dec 13, 2017 @ 17:12
By

Sanofi, nag-sorry sa Dengvaxia controversy

Humingi ng paumanhin ang Sanofi Pasteur sa gobyerno at publiko kung lumikha ng takot ang naging pahayag nila tungkol sa Dengvaxia.

Sa pagdinig ng Kamara, nilinaw ni Thomas Triomphe na walang dahilan para matakot o magpanic ang publiko lalo na ang mga magulang na ang mga anak ay nabakunahan ng anti-dengue vaccine.

Paliwanag ni Triomphe, ang ginawa nila ay parte ng protocol na ipaalam sa publiko kung may madiskubreng adverse effect sa kanilang produkto.

Nagkaroon lamang aniya ng kalituhan dahil ginamit sa statement ang “severe disease”.

“I fully understand the concern of the parents. I am sorry that it created confusion, that is why I want to clarify that there is no need to panic,” ani Triomphe.

“I do apologize if there is a misunderstanding that’s why I want to clarify why the severe disease was used,” dagdag pa ng opisyal.

Ginawa ni Thriomphe ang pagso-sorry sa kahilingan ni 1Sagip Rep. Rodante Marcoleta dahil naging “reckless” at “inconsiderate” aniya ang Sanofi sa pahayag na maaaring magkaroon ng severe disease ang sinumang nabakunahan ng dengvaxia na hindi pa nagkaka-dengue.

Samantala, kinumpirma ni Thriomphe na nagkaroon ng meetings sa mga opisyal ng Sanofi sina dating pangulong Noynoy Aquino at dating Finance Sec. Cesar Purisima sa Beijing noong November 2015 at Paris noong December 2015.

Pero nilinaw nito na medical event iyon na dinadaluhan ng heads of state kung saang ipiniprisinta nila ang efficacy ng kanilang mga produkto.

Wala rin anyang kasunduan na nabuo sa naturang meetings.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?