55

Dec 11, 2017 @ 15:02
By

Sanofi: Ligtas ang paggamit ng Dengvaxia

Mariing sinabi ng opisyal ng Sanofi Pasteur na ligtas ang kanilang bakunang Dengvaxia at wala pang namatay dito.

Sa pagdinig ng Senate Blue ribbon committee, sinabi ni Thomas Triomphe, Asia Pacific head ng Sanofi Pasteur, na ginastusan nila ang pagsasaliksik para sa pagsigurong ligtas ang bakunang kontra dengue.

“We at Sanofi assure Filipinos that Dengvaxia is and continues to be a safe and efficacious vaccine,” diin nito.

“We have not seen any negligence on the part of the company. Dengvaxia was a product of years of rigorous development,” dagdag ni Triomphe.

Idiniin nito na ginamit na ang bakuna sa 11 bansa.

Tiniyak naman na makikiisa sila sa pagdinig ng Senado.

Samantala, inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na inatasan na niya ang Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) na maglaan ng pondo para tulungan ang mga magkakaakit ng dengue.

Kapag ordinaryong kaso ng dengue, sasagutin ng PhilHealth ang P10,000 kapag nasa ospital ng gubyerno.

Ipinaglalaan naman ang P16,000 para sa seryosong kaso ng dengue. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?