36

Jan 21, 2018 @ 10:13

Sanofi, di pa lusot sa kaso kahit nagsoli na ng P1.1-B – DOH

May pananagutan pa rin umano ang French pharmaceutical company na Sanofi Pasteur kahit naibalik na nito ang P1.161 bilyong refund para sa mga hindi nagamit na Dengvaxia vaccine, ayon kay Health Secretary Francisco Duque.

Sa panayam sa Super Radyo dzBB, sinabi ng kalihim na kanila pa ring sinisiyasat kung meron bang ikinubling impormasyon ang Sanofi na hindi sinabi sa mga nagpasya ng ilunsad ang immunization program noong 2012 ng dating administrasyon.

Samantala, sinabi naman ni Duque na sa Lunes ang resulta ng pag-aaral sa kaso ng 14 na bata na binakunahan ng Dengvaxia.

Pinaalalahanan pa nito publiko na ang dengue ay hindi seasonal disease at isa umanong itong ‘year-round threat’.

Aniya, mula buwan ng Enero hanggaang Disyembre ay tuloy-tuloy ang kaso ng dengue at magpapatuloy pa rin ang banta nito meron o wala mang Dengvaxia vaccine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?