sanofi
By

Sanofi dapat idemanda ng gobyerno – Ejercito

Sharing is caring!

Iginiit ni Senador JV Ejercito sa Duterte administration na ihabla ang pharmaceutical company na Sanofi Pasteur, ang gumawa at nagbenta sa gobyerno ng bakunang Dengvaxia.

Ayon kay Ejercito, chairman ng Senate Committee on Health, ang gobyerno ang dapat manguna sa class suit laban sa Sanofi.

Ito ay upang maobliga ang Sanofi na magbigay ng indemnity fund para sa mga bata na nabakunahan ng Dengvaxia.

Idiniin na kailangang may handa laging pondo kapag may nangyari sa mga bata na naturukan ng Dengvaxia.

Sa mga pagdinig ng Senado, sinabing maaaring buwan o taon ang bilangin bago tuluyang madetermina kung nakabuti o nakasama ang Dengvaxia sa nabakunahan nito.

“Legal action should also be taken by the Philippine government against Sanofi towards the establishment of an indemnity fund for children who were vaccinated to provide them with financial assistance for medical care throughout their lifetimes,” giit ni Ejercito.

Inihain naman ng senador ang Dengvaxia Assistance Program bill kung saan layong i-monitor at tutukan ang pangangailangan ng mga nabakunahan.

“We need to do more to provide assistance to the victims,” diin pa ni Ejercito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?