15

Feb 5, 2018 @ 14:33
By

Sanofi, i-blacklist! – solons

Hinikayat ng mga kongresista ang Department of Health (DOH) na i-blacklist ang Sanofi Pasteur sa pagpasok sa mga kontrata sa gobyerno.

Ito’y kasunod ng pagtanggi na ibalik nang buo ang perang ipinambili ng Dengvaxia.

Ayon kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, kung ayaw talaga ng Sanofi ay maaari namang maghanap ng ibang ligal na paraan ang pamahalaan kabilang ang pagsasampa ng kaso.

Sinabi ni Batocabe na mas malaki ang magiging problema ng Sanofi kapag na-blacklist sila dahil makaaapekto ito sa pagtingin ng ibang bansa sa pharmaceutical company.

Sinegundahan ito ni Surigao Rep. Ace Barbers na nagsabing dapat lamang na i-blacklist ang Sanofi dahil pumalpak ito.

Ayon kay Barbers, ginagawa ito sa mga lokal na kompaniya kaya walang dahilan para hindi gawin sa international company.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?