58

Sangkaterbang kaso inisnab, Broner pokus kay Pacquiao

Tanging ang laban niya sa Enero 19 sa Las Vegas ang iniisip ni Adrien Broner ngayon.

Sa pakikipag-usap ni ‘The Problem’ sa ilang international media noong Miyerkoles, sinabi nito na aasikasuhin niya ang kanyang mga kaso matapos ang pay-per-view fight kontra Manny Pacquiao.

“That’s just something I’ll take care of after the fight. Right now I’m 100% focused on the fight. I’m just ready to come to the ring January 19th and get a victory,” sabi ni Broner.

Wala rin pakialam si Broner sa maugong na usapan tungkol sa potensiyal na rematch nina Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. na lalo pang uminit nang mag-krus ang landas ng dalawa sa LA Clippers Filipino Heritage Night.

“No disrespect but I don’t give a (expletive) about Mayweather and Pacquiao. I’m focused on Adrien Broner and Pacquiao and I’m focused on getting this victory,” dagdag nito.

“Pacquiao is a legend. He’s going to go down as one of the best in the business. I just feel it’s my time. I’m coming to take the throne from Pacquiao.”

Ilang beses na ring sinabi ni Pacman na hindi niya mamaliitin si Broner at puspusan niya itong paghahandaan dahil alam niya ang kakayahan at kapasidad nito.

Patuloy pa rin ang pagsasanay ni Pacquiao para sa pagdepensa ng kanyang WBA 147-pound diadem. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?