66

Oct 17, 2017 @ 14:39

Sangkaterbang improvised knife, nakumpiska sa Antipolo Jail

Ilang mga kubyertos (kutsara at tinidor) na ginawang armas ang nasabat sa isinagawang Oplan Greyhound sa loob ng Antipolo Jail kahapon.

Batay sa report, 11 dormitoryo ang hinalughog ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Antipolo police sa loob ng detention center, kung saan ilang mga sinasabing kontrabando ang nakumpiska sa mahigit 1,300 bilanggo.

Nabatid na ginagawang improvised knife ang mga kubyertos upang maging armas ng mga bilanggo sakaling magkaroon umano ng rambol o kaguluhan sa loob ng kulungan.

Ilan pa sa mga nakumpiska ay water heaters, plastic bottles, sinturon at tinta na gamit para sa pagpapa-tattoo. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?