108

By

‘Sangkaterbang basura nagkalat sa Traslacion

Hindi pa rin naiwasan ng mga debotong dumalo sa nagaganap na Traslacion na mag-iwan ng sangkaterbang basura sa mga lugar na nadaraanan ng prusisyon ng Itim na Nazareno.

Tambak ang basurang iniwan ng mga ito sa Quirino Grandstand.

Binaha ng batikos ng ilang netizen naturang pangyayari.

Saad ng ilan “respecting our planet is respecting its Creator” kaya dapat umanong maisip ng mga deboto na naroon sila para sa Panginoon kaya dapat din nilang igalang ang kalikasan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?