57

Sanggol sa CDO nabilaukan sa pinadedeng gatas, dedo

Namutla, nangitim at kalauna’y namatay ang isang 11-buwang sanggol sa Cagayan De Oro City matapos painumin ng gatas ng 12-anyos na kapatid.

Ayon sa imbestigasyon, sa ulat ng GMA News, nagsuka at namutla ang sanggol matapos padedein ng kapatid sa feeding bottle sa kanilang bahay sa nasabing probinsya.

Naisugod pa sa ospital ang nangingitim nang sanggol, ngunit hindi na ito nabuhay.

Ang sanggol ang ikapitong anak ng mag-asawang Jocelyn at Jonathan Mata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?