51

May 5, 2021 @ 22:48
By

Sanggol pinangalanang ‘Ghlynnyl Hylhyr Yzzyghyl’

Isang bagong silang na sanggol na lalaki sa Carmen, Cotabato ang binigyan ng kakaibang pangalan na mahirap bigkasin at baybayin.

Ayon sa ulat, ang lolo ng sanggol ang nakaisip na pangalanan itong “Ghlynnyl Hylhyr Yzzyghyl Mampuan Buscato”.

Sa hirap nitong bigkasin at baybayin ay kinailangang i-print muli ang birth certificate ng sanggol matapos magkamali sa spelling ang tauhan na nagproseso ng dokumento.

Para naman daw maging madali sa lahat ang pagtawag sa kanyang apo ay binigyan ito ng palayaw na “Consonant” dahil sa kawalan ng mga vowel o patinig sa pangalan ng sanggol.

Paliwanag ng lolong si Raugyl Ferolin Estrera, nabuo ang pangalan ng kanyang apo sa pamamagitan ng pagsasama ng ilang letra mula sa kanyang pangalan, at pangalan ng mga magulang at lola ng sanggol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?