317

Jul 17, 2019 @ 14:13
By

Sanggol natagpuang patay sa Makati, hinihinalang ginahasa

Karumal-dumal ang sinapit ng isang 1-anyos na lalaki matapos makitang patay sa abandonadong gusali sa Barangay San Antonio, Makati City nitong Miyerkoles na hinihinalang hinalay ng lalaki.

Ayon sa ulat, isang Genelyn Lopez ang nakatagpo sa biktima sa loob ng Building 143 sa Yakal Street.

Dinala sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Sinuri ang katawan ng biktima kung saan nakakita ng semilya sa loob ng puwet nito.

Nadiskubre rin sa katawan ng biktima ang maraming pasa.

Inaresto ang suspek na nakilalang si Gerald Reparip, 27, matapos makita ang mga bahid ng dugo sa underwear nito.

Nang kuwestiyonin ng pulisya, sinabi ng suspek na lasing siya at walang maalala kung anong nangyari noong kasama niya ang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?