49

Sanggol natagpuang inuuod sa damuhan sa Bicol

Narinig ng ilang nangunguha ng ibon ang iyak ng isang sanggol sa damuhan sa Barangay Bonot sa Calabanga, Camarines Sur.

Nakadapa, may galos at katabi pa ng sanggol ang inunan nito nang makita ng mga tao, Huwebes ng hapon, Oktubre 10, 2019.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, agad dinala ang sanggol sa Municipal Health Office at kalauna’y nilipat sa Bicol Medical Center para matiyak na ligtas ito.

Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng mga awtortidad ang insidente at hinahagilap ang nanay ng inabandonang sanggol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?