799

By

Sanggol naputol ang ulo habang isinisilang

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang sanggol matapos itong mapugutan ng ulo habang iniiri ng kanyang ina.

Ayon sa report, nangyari ang insidente noong Enero 6.

Na-admit si Dikhsha Kanwar sa Ramgarh Community Health Centre sa Jaisalmer District, India nang makaramdam na siya ng contractions.

Habang nanganganak, inakala ng nurse na palabas na ang sanggol kaya agad itong hinila.

Pero naputol ang ulo ng baby at naiwan sa sinapupunan ni Kanwar.

Itinago umano ng mga nurse na sina Amritlal Singh at Juhjar Singh ang napugutang sanggol sa morgue.

Sinabihan ng dalawa ang doktor na tapos na sila sa pagpapaanak kay Kanwar pero nagkaroon ng problema sa placenta nito kaya dinala ito sa Ummed Hospital.

Sa pag-aakalang placenta ang kinukuha, nadiskubre na pugot na ulo ito ng baby.

Sinuspinde na ang dalawang nurse at kasalukuyan nang iniimbestigahan ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?