44

Oct 12, 2021 @ 17:22
By

Sanggol ‘napugutan’ habang isinisilang

Patay ang isang sanggol nang mapugutan umano ng ulo habang isinisilang sa isang ospital sa Bangued, Abra.

Ayon sa ulat sa “Unang Balita” nitong Martes, nalaman lamang ng ina ng sanggol na naputol ang ulo ng kanyang baby nang maiuwi sa kanilang bahay ang bangkay nito.

Sa ngayon ay nagsasagawa na umano ng imbestigasyon ang Abra Provincial Hospital sa insidente.

Plano naman ng pamilya na kasuhan ang nasabing ospital.

Paliwanag naman ng ospital, namatay ang sanggol habang ipinagbubuntis kaya kailangan itong mailabas para mailigtas ang ina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?