55
Sanggol nalitson dahil sa kandila
By

Sanggol nalitson dahil sa kandila

Nalitson nang buhay ang isang tatlong buwan gulang na sanggol na babae sa naganap na sunog sa Pasay City.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog dakong alas-5:27 ng hapon (Pebrero 13) sa Barangay 178, Maricaban ng nabanggit na lungsod.

Iniwan umano ng ama na si Jordan Madrid ang dalawang anak kasama ang sanggol na si Alexa Madrid sa loob ng kanilang bahay para bumili ng ulam habang ang ina ng biktima na si Roxanne Cabil ay nasa training noon sa pagko-call center agent.

Naiwang nakasinding kandila umano ng kanilang kapitbahay ang pinagsimulan ng sunog.

Nakatakbo pa umano palabas ng bahay ang isa sa mga anak na nakaligtas habang naiwan ang sanggol.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fire-out dakong alas-9:12 na ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?