ceres

Sanggol nagulungan ng bus, patay

Sharing is caring!

Namatay ang isang 1 year old na sanggol habang sugatan naman ang ina at ate nito sa nangyaring aksidente sa national highway sa Barangay South Poblacion, Naga City, Cebu, nitong Mayo 16.

Iitinakbo pa sa Minglanilla District Hospital ang sanggol na si Lemelfa Omayao pero idineklarang dead on arrival.

Sugatan din ang ina nitong si Maria Josefa, 37, at kapatid na si Frechie, 13, na kapwa dinala sa ospital.

Ayon sa report, angkas ni Maria Josefa sa kanyang motorsiklo ang dalawang anak, na kasabay sa southbound lane ang Ceres bus na minamaneho ni Jay Parilla Bercero, 33.

Nag-overtake ang motorsiklo sa bus pero kumanan din ang bus kaya’t natamaan ng likuran nito ang motorsiklo.

Bumagsak si Maria Josefa at ang dalawang bata pero nagulungan ang sanggol ng bus.

Kasalukuyan na umanong nakakulong si Bercero at mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple injuries.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?