52

By

Sanggol nabagsakan ng durian, nabasag ang bungo

Humihingi ng tulong ang ina at pamilya ng isang buwang gulang na sanggol na nabagsakan ng durian habang natutulog.

Nagtamo ng pagkabasag ng bungo ang sanggol dahil sa durian na bumagsak sa puno malapit sa kanilang bahay sa Barangay Tabara, Malabang, Lanao del Sur.

Ayon kay Bai Amida, lola ni baby Abdul, nangangailangan ng pinansiyal na tulong ang kanilang pamilya para sa operasyon ng sanggol.

Nabagsakan ng durian ang sanggol sa kasagsagan ng bagyo at malakas na hangin noong Lunes alas-otso ng gabi.

Nabatid na gawa sa light materials ang bahay ng biktima kaya lumusot ang bumagsak na durian kung saan ay saktong bumagsak sa ulo ng sanggol at nasugatan naman ang ina nito na kapwa natutulog.

Kaya naman nananawagan ang pamilya nito ng tulong para sa panggastos sa ospital dahil ang ama ng bata ay isang habal-habal driver lamang at may dalawa pa silang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?