23

By

Sanggol itinapon ng ina sa septic tank

Patay na nang makita ang isang kapapanganak pa lang na sanggol sa septic tank ng isang babuyan sa Solsona, Ilocos Norte noong Miyerkoles.

Ayon sa Solsona Police, isiniksik ang sanggol sa septic tank na posibleng nalunod sa dumi ng hayop.

Umamin ang ina ng sanggol na siya ang nagtapon sa anak na isinilang umano noong Oktubre 30.

Inireklamo naman ng mga opisyal ng barangay ang ina ng sanggol pero kalaunan ay nagkasundo sa isang joint affidavit of disinterest kaya na-dismiss ang kaso.

Noong Huwebes binasbasan sa simbahan ang sanggol saka inilibing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?