186

By

Sanggol itinapon ng ina sa bintana

Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan sa ibabaw ng plywood na duguan, sa likod ng ospital noong Biyernes sa Kabacan, Cotabato.

Ayon sa report sa 24-Oras, dinala umano ang ina ng bata sa ospital dahil sa urinary tract infection o UTI pero napaanak na umano ito.

Itinago umano ng menor de edad na ina ang kanyang pagbubuntis sa mga magulang niya.

Sa ngayon umano ay ligtas na ang sanggol pero hindi pa batid kung ano ang nangyari sa nanay nito at ano ang dahilan kaya nagawa nitong itapon ang kanyang baby.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?