338

By

Sanggol itinago sa bagahe, American national dinakip sa NAIA

Nabisto ang ginawang pagtatago ng isang babaeng American national sa isang 6-day old baby sa kanyang bagahe sa airport.

Ayon sa ulat, tinangkang ilabas ng bansa ang sanggol pero naharang ng Philippine airport authorities sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 dakong alas-siyete ng umaga si Jennifer Erin Talbot.

Ayon sa Bureau of Immigration, nakita pa umano ng mga security personnel na hawak ng suspek ang sanggol subalit hindi na ito nakita nang mag-check in ang babaeng American national.

Dahil dito, nagsagawa ng security check at natuklasan sa hand-carry bag ng suspek ang sanggol.

Sinasabi umano ng suspek na tiyahin siya ng sanggol pero wala itong maipakitang dokumento na magpapatunay dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?