74

By

Sanggol inuntog sa pader ng stepfather, patay

Namatay ang isang 15 buwang gulang na sanggol matapos iuntog ng maraming beses sa pader ng kanyang amain sa kanilang bahay.

Nangyari umano ito sa Serang Baru, Bekasi, West Java, ayon sa mga ulat.

Kinilala lang ang suspek sa initials na RA, 39-anyos.

Lumabas sa imbestigasyon na nainis ang suspek matapos siyang istorbohin ng sanggol sa pagtulog.

Nabatid din na naglayas ang ina ng sanggol at naiwan ito sa pangangalaga ng kanyang amain.

Umamin umano ang suspek na hinampas niya ang ulo ng biktima sa pader ng tatlong beses dahil naistorbo ang pagtulog niya.

Tumugma naman ito sa resulta ng isinagawang awtopsiya sa biktima.

Naaresto na si RA at kasalukuyang nakakulong sa Kramat Jati Police headquarters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?