12
views
jail4
By

Sanggol dinukot kapalit ng namatay na anak

Sharing is caring!

Naghihimas ng rehas ngayon ang isang 42-anyos na ginang matapos itong matunton at maaresto sa Victoria, Tarlac kaninang madaling-araw dahil sa pagdukot sa isang sanggol.

Ayon sa ulat, nagpanggap na social worker si Roselle Garcia kaya’t nagawa nitong maitakas ang noon ay isang buwang gulang na sanggol na si Zianne ng nakaraang Setyembre.

Positibong kinilala ni Riza Garcia ang suspek na siyang tumangay ng kanyang anak sa kanilang bahay sa Las Piñas.

Hindi itinanggi ng suspek ang nagawang krimen at ikinatuwiran na labis na kalungkutan ang nag-udyok sa kanya na itakas ang sanggol para may kapalit ang kanyang anak na namatay ilang araw pa lang ang nakakalipas.

Natunton ang suspek sa kanyayang bahay sa Barangay San Vicente sa bayan ng Victoria, Tarlac.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?