71
Parak ginulpi ng 3 kelot sa QC
By

Sanggol dedo sa sapak ng tatay

Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang dalawang buwang sanggol matapos na ito ay karatehin ng kanyang mismong tatay sa kalagitnaan ng pag-aaway nila ng kanyang misis sa Barangay Bagumbayan, Sta Cruz, Laguna.

Agad nasawi ang sanggol nang ito ay sapukin sa likurang bahagi ng ulo ng suspek na si Robert Vinosa Binaya, 21 anyos.

Nakahiga umnao sa kuna sa kanilang bahay ang bata nang ito ang mapagbalingan ng galit na tatay.

Natuklasan din na bali ang leeg nito na posibleng resulta sa pagkakapilipit ng suspek.

Nabunyag ang pangyayari nang isumbong ito ng dalawang barangay official sa himpilan ng pulisya.

Ayon kay PLtCol. Armie Agbuya, hepe ng Sta. Cruz police, inamin nang suspek ang krimen at nagawa niya umano ito dahil sa sobrang galit habang nag-aaway sila ng kanyang misis nong Linggo ng hapon.

Nagdududa umano ito na hindi niya anak ang bata at may ibang lalaki ang misis.

Ayon naman sa tatay mismo ng suspek, palagian nang inaaway at binubugbog nito ang kanyang misis kahit na ito ay kalalabas pa lamang buhat sa ospital kung saan sumailalim caesarean operation sa panganganak.

Nagbanta rin umano ito na huwag siyang pakialaman at ipinagmamalaki pa na isa siyang drug addict.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Sta Cruz police station at inihahanda na ang kasong parricide kontra dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?