1,292

Dec 9, 2021 @ 15:15
By

Sanggol butas ulo sa ligaw na bala

Patay ang sanggol na isang taong gulang matapos tamaan ng ligaw na bala habang nasa bahay sa Negros Occidental.

Sa ulat, inihayag ng Philippine National Police na nangyari ang insidente noong Disyembre 5 kung saan kasama ng sanggol ang kanyang lolo at lola at iba pang kamag-anak.

Dalawa umanong putok ng baril ang umalingangaw na sinundan ng malakas na tunog mula sa pader na iron sheet.

Natagpuan na lamang ang sanggol na nakahandusay sa sahig at duguan na ang ulo.

Naitakbo pa ang biktima sa isang ospital sa bayan ng Manapla at inilipat sa pagamutan sa Bacolod City ngunit pumanaw noong Disyembre 6.

Noong Martes, sumuko umano ang suspek na si Nomar Ayan Bero, 46, at umamin sa pagpapaputok ng dalawang beses sa kanyang kalibre .38 revolver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?