33

Sangalang sunod na ‘Pinoy Sakuragi’ – Pingris

Kung si Marc Pingris ang tatanungin, si Ian Sangalang na ang susunod sa kanyang yapak bilang ‘heart and soul’ ng prangkisa ng Magnolia.

Sa PBA Media Day nitong Huwebes, pinangalanan ng ‘Pinoy Sakuragi’ ang 2013 second overall pick na si Sangalang bilang tagapagmana ng kanyang role sa koponan.

“I see Ian [Sangalang] as someone who will one day replace me,” ayon sa tubong Pozorrubio, Pangasinan.

Ang tanging kulang lang kay Sangalang, ayon sa dating Gilas mainstay, ay ang pagkakaroon ng angas sa court dahil natural ang kabaitan ng manlalaro.

“He just needs to have a little more experience and by experience I mean he should have some sort of a mean streak because Ian’s a really kind person,” saad ni Pingris.

Si Pingris ay bakante pa rin matapos matamo ang knee injury noong nakaraang season. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?