28

Jul 28, 2021 @ 13:55
By

Sangalang PBA player of the week

Tinanghal si Magnolia Hotshots forward Ian Sangalang bilang PBA Press Corps Player of the Week para sa Hulyo 19-25 period.

Sa nasabing mga petsa ay tinulungan ni Sangalang ang Hotshots sa mga panalo kontra Alaska Aces at Barangay Ginebra.

Sa naturang mga laro ay nag-average ang 6’7 na Kapampangan ng 21.5 points sa 50% field goal shooting.

Tampok dito ang 26 points at buzzer-beating lay-up niya kontra sa Aces.

At sa laban naman kontra Ginebra ay gumawa siya ng 17 points sa kabila ng twin towers na sina Japeth Aguilar at Christian Standhardinger.

Sa ganda ng kanyang pinapakita ay nasa tuktok ng standings ngayon ang Hotshots na may 3-0 kartada, katabla ang Rain or Shine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?