38
ian-sangalang
Mar 15, 2018 @ 17:45
By

Sangalang, Jalalon nagwala

Rumagasa sina Ian Sangalang at Jiovani Jalalon para pangunahan ang Magnolia na masungkit ang pangalawang panalo kontra NLEX, 106-99, Miyerkoles ng gabi sa 43rd PBA 2017-2018 Philippine Cup best-of-7 semifinals game three sa Smart Araneta Coliseum, QC.

Banda ang dating San Sebastian College forward na napabilang din sa bansag na Pinatubo Trio na si Sangalang, at ang dating Arellano Chiefs guard na kilalang “The Bus Driver” na si Jalalon, ng kanilang A-game para sa 2-1 bentahe ng Magnolia.

Nagbaon si Jalalon ng 25 points habang may conference-high si Sangalang na 24 points. Malaking tulong din ang ambag ni Rome dela Rosa na 17 markers.

Dikit ang naging labanan at ang pinakamalaking kalamangang naimolde ng Hotshots ay siyam na puntos.

Ang pinakita ng tatlo ang umeklipse sa malaking opensa si coach Yeng mula sa kaniyang combo guards na sina Kiefer Ravena at Kevin Alas na may 20 at 15 pts., ‘di pa rin sapat para manalo.

Naging matagumpay naman ang operasyon ni Marc Pingris at nagpapagaling na pero nagbigay pa rin ng suporta sa kaniyang koponan. Christian Cortez

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?