50

Jun 23, 2022 @ 9:39
By

Sanga ng puno bumagsak sa NLEX, 7 sasakyan nadaganan

Pitong sasakyan ang nabagsakan sa North Luzon Expressway (NLEX) nang may mahulog na sanga ng puno nitong Miyerkules ng gabi.

“Starting before 7 mayroong mga fallen branches ng tree na nag-block … Totally blocked ng northbound direction natin,” pahayag ni NLEX Senior Manager for Traffic Operations Robin Ignacio.

Naiulat naman bandang alas-8:30 ng gabi, 7 sasakyan ang nabagsakan ng sanga ng puno.

Ani Ignacio, wala namang naitalang nasaktan sa insidente.

“At least wala naman nasaktan, ang kini-clear lang ngayon ‘yung mga branches of trees, naipit kasi yung mga responding teams,” dagdag pa niya.

Pinayuhan na lamang niya ang mga motorista na lumabas sa San Fernando at dumaan sa MacArthur Highway upang hindi maipit sa traffic habang nagsasagawa ng clearing operations.

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?