229

Jul 5, 2022 @ 13:44
By

Sandro, Romualdez itinulak paglipat ng mga ahensya ng gobyerno sa digital platform

Itinulak ni presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, na napipintong maging susunod na Speaker, ang panukala upang lumipat sa digital platform ang mga ahensya ng gobyerno para mas bumilis ang kanilang pagseserbisyo.

Bukod kina Marcos at Romualdez, may-akda rin ng panukalang E-Governance Act (House Bill 3) sina Tingog Representatives Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre.

“The shift to digital platforms has been long time coming. The COVID-19 pandemic only expedited the need for its execution. The policies in the ‘new normal’ must be responsive to the needs of the populace and allow them to truly feel a sense of normalcy, rather than burden them with inevitable but avoidable restrictions,” sabi sa explanatory note ng panukala.

Sa ilalim ng panukala ay bubuo ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng proseso upang maging magkaka-ugnay ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Isang internal email network na tatawaging “GovMail” ang babalangkasin at ipapalit sa paper-based communication ng mga ahensya.

Isang project management office (PMO) ang itatayo ng DICT isang taon mula sa pagsasabatas ng panukala upang tutukan ang implementasyon ng digitalization sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?