0
views

By

Sandra Oh, unang Asian na nominado sa Emmy bilang best actress

Sharing is caring!

Nagtala ng kasaysayan si Sandra Oh matapos manomina bilang Best Actress sa Drama Emmy nitong Huwebes.

Ang karakter niya bilang si MI6 agent Eve Polastri sa America’s “Killing Eve” ng BBC ang pambato ni Oh sa award.

Limang Best Supporting Actress ang nakuha niya noon sa role niya sa medical drama na “Grey’s Anatomy”.

Nauna nang pumalag si Oh hinggil sa diskriminasyon laban sa Asian actors sa Hollywood.

Kalimitan kasing ang roles lang na ibinibigay sa mga ito ay kaibigan o kaya’y sidekick.

Sa “Killing Eve”, gumaganap na imbestigador si Oh na naging obsessed sa female assassin na hinahabol niya.

Nagmistula silang pusa at daga sa kanilang “bloody game”.

Kalaban ni Oh sa karangalan sina Elisabeth Moss (The Handmaid’s Tale), Claire Foy (The Crown), Keri Russell (The Americans), Evan Rachel Wood (Westworld) at Tatiana Maslany (Orphan Black).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?