120

Oct 29, 2020 @ 20:17
By

Sandra Lemonon inulan ng death threat

Nakakatanggap na raw ng death threat ang top 16 sa Miss Universe Philippines 2020 na si Sandra Lemonon matapos magdulot ng kontrobersya ang banta niyang ibubunyag ang tungkol sa umano’y katotohanan sa pageant.

“Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news, it’s time to be honest & speak facts,” sambit noong Linggo ng kandidata mula sa Taguig City.

Pero hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ang mga fan ng pageant sa pasabog niya.

“I have death threats and people telling me I’m stupid and etc. When all I want is to protect us girls and have fair treatment. Hai,” sabi ni Lemonon sa Instagram Story nitong Huwebes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?