39

Mar 2, 2020 @ 18:17
By

Sandra Cam pina-subpoena sa reklamong murder

Pinatawag ng Department of Justice (DOJ) si Philippine Charity Sweepstakes Office board member Sandra Cam, kanyang anak at limang iba pa para sa gagawing imbestigasyon sa pagkamatay ni Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.

Nahaharap si Cam at anak niyang si Martino Martin Cam sa reklamong murder at frustrated murder.

Inihain ang reklamo ng asawa ni Yuson na si Lalaine.

Kabilang sa respondents si acting Batuan, Masbate Mayor Nelson Cambaya at umano’y mga gunmen na sina Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito De Luna at Rigor dela Cruz.

Magugunitang Oktubre 9, 2019 habang nag-aalmusal sa Sampaloc, Manila ay pinagbabaril ng ‘di pa kilalang gunmen si Yuson.

Bumisita lang sa lugar si Yuson para sa kanyang kapatid na si Charlie Yuson, Jr., isang kapitan ng barangay sa lugar.

Nakilala ang apat na gunman kalaunan sa pamamagitan ng CCTV.

Inakusahan ni Lalaine ang mga Cam na nasa likod ng pagpatay sa kanyang mister dahil isa raw sa gunman ay dating family driver ni Cam.

Tinalo ng anak ni Yuson na si Charmax Jan Yuson si Martino sa mayoralty race noong 2019.

Samantala, itinakda ang preliminary investigation sa Marso 9 at 16.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?