92

Jan 27, 2020 @ 18:03
By

Sandara Park nahumaling sa ‘Tala’

Nahikayat na si K-pop star Sandara Park sa dance craze na “Tala”.

Gumawa siya ng K-pop version ng “Tala” dance challenge.

“Thank you Teacher Georcelle for the time & love!!! super fun!!! Love u Sarah G!!” caption ni Sandara sa Instagram post niya nitong Jan. 26.

Maliban kay Sandara, nag-“Tala” dance challenge na rin ang Korean girl group na Momoland noong nag-guest sila sa “Gandang Gabi Vice” nitong buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?