127

By

Sandara Park nag-birthday kasama ang mga kaibigan sa ‘Star Circle Quest’

Pinagdiwang ni Sandara Park ang kanyang 35th birthday sa Pilipinas kasama ang mga naging kaibigan niya sa defunct reality-TV talent competition na “Star Circle Quest”.

Sa Instagram accounts binahagi nina Raphael Martinez at Joross Gamboa ang mga litrato ng nangyaring birthday reunion.

“Happy Birthday @daraxxi its been more than 15years of friendship you know our wish for you,” sabi ni Joross sa caption.


“Happy Birthday @daraxxi mahal ka namin bilis ng panahon next naman si kuya @joross_gamboa #dara #birthday,” greetings naman ni Raphael.


Nagsimula ang showbiz career ni Sandara nang manalo ito sa “Star Circle Quest” noong 2004.

Taong 2009, naging miyembro siya ng K-pop girl group na 2NE1 kung saan siya sumikat worldwide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?