34

Sep 17, 2021 @ 12:09
By

Sandara Park may pasabog

May ibubuga pa si Pambansang Krungkrung!

Nito lamang kasing Huwebes nang ianunsyo ni Sandara Park na maglalabas siya ng kanyang solo debut.

“I have a matter to discuss today. It’s about my hot solo debut (that is) to come,” ani dating 2NE1 member sa video niya sa kanyang YouTube channel.

Agad naman itong naging trending topic sa Twitterverse.

Nito lamang Setymebre 1 nang sumali si Sandara sa Abyss Company matapos niyang lisanin ang YG Entertainment.

Taong 2009 nang sumali siya sa pamosang K-pop group na 2NE1 na siyang nawatak taong 2016. (VA)


<iframe width=”560″ height=”315″ src=”https://www.youtube.com/embed/iPvh0PeOLg4″ frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen></iframe>

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?