853

Oct 5, 2018 @ 14:09
By

Sancho delas Alas, thankful kay Coco Martin

Thankful si Sancho delas Alas sa mga pinagkakaabalahan niyang mga project ngayon.

Bukod kasi sa magandang exposure ni Sancho sa top rating TV series na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, kasama rin pala siya sa MMFF entry nina Vic Sotto, Maine Mendoza, at Coco Martin na ‘Jack Em Popoy: The Puliscredibles’.

Ipinahayag nga ng anak ni Ai Ai delas Alas ang labis na kagalakan na may entry ulit siya sa MMFF this year.

“Sobrang masaya po ako siyempre at saka excited na naman po, kasi nakasali ako sa MMFF entry nila Kuya Coco. Bale second na po ito na nakasama ako sa MMFF,” nakangting saad ni Sancho na unang napanood sa MMFF via ‘My Bebe Love: #KiligPaMore’ starring Vic, Ai Ai, Alden Richards at Maine Mendoza.

Pahabol pa niya, “Ang role ko po rito sa movie, member ng private army po kami ni Arjo Atayde rito, hehehe.”

Aminado siyang si Coco ang pinagkakautangan niya ng loob sa dalawang proyektong nabanggit.

“Opo, nakiusap po ako kay kuya Coco na kung puwede po maisama at pumayag naman po si kuya, hehehe.”

Si Coco rin ang tumulong kay Sancho para makapasok sa ABS CBN TV series niyang Ang Probinsyano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?