304

Aug 27, 2019 @ 10:45
By

Sanchez umamin: Nakalabas ako ng bilibid

Kinumpirma ni ex-Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na may pagkakataon noong 2019 na nakalabas siya ng kulungan.

Sa panayam ng convicted murderer at rapist ni John Consulta ng GMA News, naitanong dito ang kumakalat na larawan kung saan makikitang kasama ni Sanchez ang kanyang anak na si Amty Sanchez Alcid.

Saad ni Sanchez, na may pitong counts ng reclusion perpetua dahil sa panggagahasa at pagpatay sa University of the Philippines Los Baños student na si Eileen Sarmenta, kinailangan niyang ilabas para makapunta sa ospital.

Dahil umano ito sa kanyang sakit sa kidney kaya siya dinala sa Ospital ng Muntinlupa.

“‘Yan anak ay a Osmun hospital nang ako’y lumabas last year. Nilabas ako sa Osmun gawa ng kidney ko,” saad ni Sanchez. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?