636

Dec 5, 2018 @ 18:34
By

Sana ‘wag idaan sa pang-iinsulto – Pangilinan nang tawaging bobo ni Gadon

Pwede niyang sabihin kung anong gusto niya – ‘yan ang naging mensahe ni Senador Francis Pangilinan ng matawag na bobo ni senatorial aspirant Atty. Larry Gadon.

“Nasa kanya na ‘yun. Sana hindi dinadaan sa pang-iinsulto. I will leave it at that,” saad ni Kiko.

Matatandaan na noong Martes ay nakapanayam si Gadon sa isang radio show kung saan tahasang sinabi kina Pangilinan, Senador Antonio Trillanes at Risa Hontiveros na mga ‘bobo’ sila.

“Para sa ‘kin bobo si Senator Trillanes. Yan, bobo yan. Si Risa Hontiveros, bobo yan. Si Mr. Sharon Pangilinan, si Mr. Sharon Cuneta, bobo yan. Maraming bobo dyan,” ayon kay Gadon.

Noong naghain din ng certificate of candidacy si Gadon ay sinabihan din niya sina Trillanes, Pangilinan at Hontiveros na mga ‘bobo’ ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?