10

By

Sana mapawalang-sala rin ako – Jinggoy Estrada

Sharing is caring!

Matapos ma-acquit ang kaibigang si dating Senador Bong Revilla, hiling ngayon ni senatorial aspirant Jinggoy Estrada na sana’y siya naman ang sumunod na mapalalaya kasunod ng kaso kaugnay sa pork barrel fund scam.

Masaya umano si Jinggoy sa naging hatol kay Revilla, at sinabing patunay ito na gumagana pa ang justice system sa bansa at binuweltahan ang nakaraang administrasyon na sinabing napagdiskitahan lamang umano sila nito.

“Medyo malaki ‘yung boost sa atin ngayon lalo na sa akin dahil na acquit na si Bong Revilla. Siguro onti-onti nang nalalaman ng taong bayan na medyo napagkaisahan lang kami ng previous administration,” saad ni Estrada sa isang panayam sa ANC.

Laya na si Bong matapos maglagak ng P480,000 para sa kasong graft, samantalang acquitted na ito sa kasong plunder ayon sa hatol ng Sandiganbayan.

“I will just leave my fate to the court but I also hope that I will be acquitted in due time,” pakli naman ni Estrada sa hiwalay na interview sa CNN Philippines.

Sa ngayon, pansamantalang nakalaya si Jinggoy habang nakabinbin pa ang kanyang kasong plunder sa kasunod ng desisyon ng Korte Suprema.

Naakusahan si Estrada ng katiwalian na aabot sa P184M na nakubra galing sa pekeng non-government organizations ni Janet Lim Napoles, na ngayo’y kulong matapos namang hatulang guilty.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?