111

Nov 9, 2017 @ 15:07
By

Sana mag-milagro – NU coach Jamike Jarin

May kaunting tsansa ang National U na humabol sa Final Four ng UAAP Season 80 basketball, pero wala na sa kanilang kamay ang kapalaran.

Sasamahan ng Bulldogs ng panalangin, at umasa sa milagro.

Tapos talunin ng NU ang FEU 87-84 sa Smart Araneta Coliseum kahapon, angat ang Bulldogs sa 5-8.

May isa pang laro ang NU sa 14-game elimination round, aasa na hindi na manalo ang biktima nilang FEU (6-7) at UP (5-7). Toka ng Maroons ang league-leading Ateneo (12-0) sa second game kahapon.

Kasunod ng Eagles ang La Salle (11-2) at Adamson (9-4).

“Hindi namin kontrol pero we’ll give our best and hoping for a miracle,” wika ni NU coach Jamike Jarin.

Pasado kay Jarin ang maturity ng kanyang players, hindi bumigay.

Umahon ang Bulldogs mula 15-point down, nagkasa ng 22-2 run tungo sa 86-81 lead kulang 3 minutes na lang.

“We never bowed down. I’m happy right now because I saw the maturity,” ani Jarin. “It was a team effort.”

Pinangunahan ni Jjay Alejandro ang comeback ng Bulldogs, tumipa ng 17 points, nine assists at six rebounds. Nanguna sa NU si Issa Gaye sa 24 points at 11 boards, may 13 pa si Antonio Joson. (Christian Cortez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?